Umakyat sa halos 17,000 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 17,220 ang naitalang kaso na higit mas mataas kumpara sa 10,775 nuong Miyerkules.
Dahil dito, pumalo na sa 2,888,917 ang kabuuang kaso habang sumirit naman sa 56,561 ang aktibong kaso sa bansa.
Nakapagtala rin ng 81 deaths kaya’t sumampa na sa 51,743 ang bilang ng namamatay.
Habang nasa 2 million 780 thousand 613 ang bilang ng mga gumaling makaraang madagdagan ng 616 na recoveries.