Sumampa sa 12,159 ang karagdagang COVID-19 cases na naitala sa bansa, kahapon kaya’t lumobo pa sa 2,666,562 ang kabuuang kaso.
Sa datos ng Deparment Of Health, bumaba na sa 90,927 ang active cases habang umabot sa 27,727 ang gumaling dahilan upang sumirit sa 2,536,011 ang total recoveries.
Karagdagang 119 naman ang namatay kaya’t umakyat na sa 39,624 ang death toll.
Gayunman, nilinaw ng DOH dalawang laborotaryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.—sa panulat ni Drew Nacino