Inihayag ni Ministry of Health (MOH) Chief Dr. Bashary Latiph na patuloy na bumababa ang mga kaso ng Covid-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Latiph, ang rehiyon ay may kabuuang 18,975 na kumpirmadong kaso, 17,423 nakarekober, at 884 na aktibong kaso habang nasa 668 na ang bilang ng nasawi sa Covid-19.
Samantala, sinabi ni MOH-BARMM Direktor-General Dr. Ameril Usman, na ang mga nahawahan ay nagpapakita ng mild symptoms na isang indikasyon na gumagana ang bakuna.
Gayunpaman, binanggit ni Usman na ang pag-aalinlangan sa pagbabakuna ay nananatiling mataas sa rehiyon na may “personal na paniniwala” bilang kanilang dahilan sa pagtanggi na magpabakuna. –Sa panulat ni Kim Gomez