Umakyat na sa 30,186 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Bicol region.
Sa pinakahuling datos ng Department Of Health o DOH Bicol, nadagdagan ito ng 395 mga kaso na naitala sa Camarines Sur na may 178 mga bagong kaso; 120 sa Albay; 33 sa Camarines Norte; 29 sa Sorsogon; 25 sa Catanduanes; at anim sa Masbate habang mayroon ding apat na nagpositibo na mula sa labas ng lalawigan.
Sumampa naman sa 21,977 ang kabuuang bilang ng mga gumaling at umabot naman sa 1,011 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing sakit.
Pinaalalahanan naman ng DOH-Bicol ang mga residente na sundin ang health protocols laban sa COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico