Sumampa na sa 36,029 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Bicol matapos itong madagdagan ng 274 mga bagong kaso.
Pinakamaraming naitalang kaso sa Camarines Sur habang zero case naman sa Camarines Norte at Catanduanes.
Nadagdagan naman ng 99 ang mga gumaling sa sakit kung kaya’t umabot na sa 23,653 ang total recoveries.
Umakyat naman sa 1,086 ang death toll matapos makapagtala ng anim na panibagong nasawi sa virus kung saan lima ay mula sa Sorsogon at isa sa Camarines Sur.
Patuloy ang paalala ng Department Of Health o DOH-Bicol sa mga residente na sundin ang health protocols kontra COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico