Umakyat na sa mahigit 17.71-milyon katao ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ayon sa John Hopkins University, mahigit 682,000 na sa naturang bilang ang nasawi habang halos 10.4-milyon naman ang gumaling.
Nananatili naman ang Estados Unidos sa bansang may pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na pumapalo na sa mahigit 4.6-milyon katao.
Ito matapos makapagtala muli ng mahigit 60,000 bagong kaso ang Estados Unidos sa ika-limang sunod na araw.
Habang mahigit isang daan at limampung libo na ang nasawi sa US dahil sa COVID-19.
Sinusundan naman ang Estados Unidos ng Brazil na mayroon nang kabuuang 2.7-milyong kaso at India na nakapagtala na ng 1.6-milyong kaso.