Inihayag ni Butuan City Mayor Ronnie Lagnada na bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar at gayundin ang kanilang bed occupancy rate.
Nakakapagtala na lamang aniya ang lugar ng 30 hanggang 60 mga kaso matapos nitong maabot ang ”peak” noong nakaraang buwan.
Sa ngayon ay nasa 858 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Butuan City.
Sinabi pa ni Lagnada na 70% na ang nabakunahan sa lungsod at target pa nila itong dagdagan ng 10% upang tuluyan nang bumaba ang mga kaso at hindi na maging malala o severe ang COVID-19 cases sa lugar.