Nasa moderate risk na ngayon ng COVID-19 ang Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa pagbaba ng bilang ng naitatalang bagong kaso ng nakahahawang sakit.
Ayon kay Dr. Emelita Pangilinan, assistant regional director ng DOH-CAR, umaasa silang magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso sa rehiyon.
Gayunman, nananatili naman aniyang nasa high risk ang mga probinsya ng Ifugao at Mountain Province habang moderate risk ang Abra, Apayao, Baguio City, Benguet at Kalinga.
Sa kasalukuyan ay aabot sa halos 88 ang kaso ng COVID-19 sa CAR.