Bahagyang humupa ang sitwasyon sa Cebu City sa gitna ng patuloy na pagbaba ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.
Sa datos ng Cebu City emergency operations center, nasa 1,700 na lamang ang aktibong kaso hanggang nitong Sabado kumpara sa 3,000 noong Agosto.
Walong ospital naman ang nasa safe zone o hanggang 60% ; dalawa ang nasa moderate; dalawa ang nasa high risk habang tatlo ang nasa critical zone.
Gayunman, umaabot pa rin sa tatlong three digits ang average daily rate at nasa critical level pa rin ang occupancy rate sa ibang ospital habang nananatiling mataas ang death rate.
Samantala, nasa 10.80% ang daily positivity rate sa Cebu City kumpara sa ideal positivity rate na 5% na itinakda ng World Health Organization.—sa panulat ni Drew Nacino