Posibleng nag-peak na ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City at nasa downward trend na.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba ang reproduction rate o yung bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Cebu sa 2.03 mula sa 3.94 noong nakaraang linggo.
Habang ang average daily attack rate (ADAR) o incidence rate mula Enero a-22 hanggang a-28 ay nananatiling ‘very high’ sa 62.27 kaso kada araw sa bawat 100,000 katao.
Ang healthcare utilization sa Cebu City nasa 60% habang 39% ang positivity rate. —sa panulat ni Abby Malanday