Nakapagtala ng 104 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Cebu sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Cebu City Health Office, naitala ang mga bagong kaso mula sa 39 na urban at mountain barangays sa lungsod.
Pinakamarami sa mga ito ang nagmula sa Brgy. Kamputhaw na may 11 kaso gayundin sa Barangay Guadalupe na may 10 kaso.
Habang nakapagtala naman ng unang kaso ng COVID-19 ang Barangay Adlaon sa nabanggit na lungsod.
Batay pa sa datos, nasa 4,241 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City, kung saan 2,111 rito ang aktibo.
Anim naman ang naitala ng Cebu City Health Office na bilang ng mga nasawi bunsod ng nasabing virus.