Umakyat na sa 5,494 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Kasunod na rin ito nang naitalang 353 bagong kaso ng virus sa Cebu City at itinuturing na pinakamataas na bilang ng COVID-19 na ireport ng isang araw sa lungsod.
Ipinabatid ng Cebu City Health Department na tumaas naman ang bilang ng recoveries na nasa 2,723 matapos gumaling ang 10 pang pasyente samantalang nananatili sa 169 ang death toll dahil sa nasabing virus.
Ayon pa sa City Health Department, nasa 2,602 ang aktibong kaso sa lungsod at kasalukuyang ginagamot o naka quarantine.