Pumalo na sa mahigit 7,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong lalawigan ng Cebu.
Batay sa pinakahuling tala ng provincial health office ng DOH sa Cebu, nasa 7,156 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan.
4,139 sa nabanggit na bilang ay active case, 2,789 ang nakarekober na habang 228 ang nasawi.
Naitala naman ang mahigit sa kalahati ng kabuuang bilang ng kaso ng probinsiya sa Cebu City na umaabot sa 4,607.
Una nang natukoy ang 12 barangay sa Cebu City bilang mga hotspot sa COVID-19 at ipinag-utos nang isailalim sa strict lockdown ni Secretary Roy Cimatu na siyang itinalaga para mangasiwa sa COVID-19 response sa lugar.