Tumaas ang kaso ng COVID-19 sa China sa nakalipas na pitong buwan.
Ito ay matapos ang isinagawang test dahilan para tumaas ang nasabing kaso sa kabila ng delta variant.
Ayon pa sa State Media, ito na ang pinakamalala simula ng mag-umpisa ito sa Wuhan.
Sa bagong 143 COVID-19 cases, 108 doon ay locally transmitted.
Maiuugnay din ang mga pagsipa ng kaso dahil sa isinasagawang mass testing sa isang COVID-19 testing site sa Silangan ng Yangzhou City.
1.6 million kasi na sample ang kanilang nakokolekta sa kanilang 5 rounds ng mass testing para subukang labanan ang pagkalat ng nasabing sakit.—sa panulat ni Rex Espiritu