Pumalo na sa kabuuang 48,729 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos na maitala ng PNP health service ang 8 na bagong kaso ng virus.
265 naman ang bilang ng mga aktibong kaso sa COVID-19.
Habang 48,336 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Samantala, nananatili sa 128 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.—sa panulat ni Airiam Sancho