Sumampa sa 19.93 milyon ang kabuuang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa India batay sa pinaka bagong tala ng India’s health ministry.
Habang 368,147 naman ang tinamaan ng naturang virus ngayong araw at 3,417 ang nasawi ngayong Lunes dahilan upang pumalo sa 218,959 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Ayon kay Bhramar Mukherjee epidemiologist ng University of Michigan sa kanyang twitter post, deklarasyon ng medical emergency at pananatili sa mga tahanan ang nakikita nitong solusyon sa kinakaharap na problema ng naturang bansa.
In my opinion, only a national stay at home order and declaring medical emergency will help to address the current healthcare needs.
The # of active cases is accumulating, not just the daily new cases. Even the reported numbers state there are around 3.5M active cases.— Bhramar Mukherjee (@BhramarBioStat) May 3, 2021
Matatandaang puno na ang mga ospital,morgue, crematorium at kinakapos na ang suplay ng oxygen sa India dulot ng pagsirit ng kaso COVID-19.