Pumalo na sa 85 ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa kongreso ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang pinakahuling tinamaan ng COVID-19 ay mula sa kanilang administrative department.
Dagdag pa ni Montales, huling pumasok ang naturang empleyado noong unang araw ng Setyembre.
Bukod pa rito, nagpositibo rin sa virus ang isang kawani ng accounting service ng kamara, na huling pumasok noong Setyembre 21.
Kasunod nito, siniguro ni Montales, na isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga dinapuan ng virus.
Samantala, sa kaparehong pahayag, sinabi ni House Secretary General Atty. Montales, na mayroong 15 aktibong kasong ng nakamamatay na virus sa mababang kapulungan.