Patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakita na ito sa 88% ng mga probinsya, highly urbanized cities at ilang siyudad sa bansa nagpapakita ng positibong growth rates.
Sa Metro Manila, pumalo na sa 450 ang naitatalang kaso kada araw.
Habang kaunting pagtaas ang nakita sa Mindanao na nakakapagtala na ng 50 kaso kada araw.
Pero sa kabila ng pagtaas ng impeksyon, nilinaw ng DOH na nasa ilalim pa rin ng low-risk classification ang bansa.