Tuloy sa pagsirit ang bilang ng COVID-19 cases sa Bacolod at Dumaguete Cities.
Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA research group, nangunguna ang Bacolod City at Iloilo City sa Western Visayas at Dumaguete City sa Central Visayas.
Tumataas pa rin anya ang kaso sa Bacolod habang mabilis ang pagtaas sa Dumaguete na nakababahal dahil mataas na rin ang hospital utilization sa mga nabanggit na lungsod kung saan halos puno na ang kanilang ICU.
Gayunman, pababa naman ang trend sa Iloilo City at bumagal ang transmission rate kaya’t umaasa silang magpapatuloy ito.
Batay sa tala ng Department Of Health hanggang kahapon, nakapagtala na ng 92 kaso ng COVID-19 sa BACOLOD CITY, 103 sa Iloilo City habang 48 ang bagong kaso sa Dumaguete.
Sa kabuuan, mayroon ng 10,590 cases ng COVID-19 sa Bacolod City kabilang ang 276 fatalities, 8,846 sa Iloilo City kabilang ang 220 fatalities at 1,430 cases sa Dumaguete City kabilang ang 48 fatalities—sa panulat ni Drew Nacino