Nakapagtala ang Bayan ng Malinao, Albay ng record high na 26 na kaso ng COVID-19.
Kinumpirma ito ni Demsy Alcala, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, at sinabing karamihan sa mga naitatalang kaso ng virus sa kanilang lugar ay isa o dalawa lamang kada linggo.
Sa nasabing bilang 23 ay mula sa drug rehabilitation center ng Malinao sa Barangay Cotmon, habang ang tatlo naman ay close contact sa isang nagpositibo sa Barangay Estancia at iba pang Barangay.
Nakatakda namang isailalim sa genome sequencing ang mga nagpositibo upang matiyak na sila ay negatibo sa ibang variant ng COVID-19.
Sinabi pa ni Alcala na hindi magpapatupad ng lockdown sa Barangay Cotmon dahil wala naman sa kanilang residente ang nagpositibo sa COVID-19 maliban sa mga nasa loob ng Drug Rehabilitation Center.—sa panulat ni Hya Ludivico