Nakitaan ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kumpara nuong nakaraang linggo.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tumaas ng 47% ngayong Linggo sa NCR kung saan nasa mahigit 900 ang nadagdag sa bagong kasong naitatala kada araw.
Ani Duque dapat ay maging babala na ito sa mga lokal na pamahalaan para paigtingin, palawigin ang lahat ng mga istratehiya para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinang-ayunan din ni Duque ang rekomendasyon ng OCTA Research na magpatupad ng tinatawag na “circuit breakers” sa gitna ng local transmission ng Delta variant.