Nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang NCR plus at Visayas region.
Ito’y ayon sa DOH bagama’t nananatili pa ring nasa low risk ang pagkalat ng virus sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng maiugnay ang pagtaas ng kaso sa presensya ng delta variant sa bansa.
Kabilang aniya sa mayroong pagtaas ng kaso sa ncr plus ay ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Pagdating naman sa Visayas, mas mataas umano ang kaso dito kumpara sa Mindanao na nagkaroon din ng bahagyang paglobo ng kaso ngayong linggo.