Walang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region o NCR plus bubble.
Ito ang ikinababahala ng OCTA research team sa pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Metro Manila at apat na karatig na lalawigan sa bansa.
Ayon kay Professor Guido David, umabot sa negative ang growth rate ng infections sa dalawang linggo ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ngunit, batay sa inilabas na datos ng OCTA, tumaas ang positive growth rate ng virus nang magsimula ang MECQ.
Bukod dito, nakapagtala ng 4% na growth rate ang OCTA sa NCR plus bubble.—sa panulat ni Rashid Locsin