Bumaba sa 8% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Batay sa tala ng UP-Octa Research Team, nasa 8% o mababa na sa 1k ang average cases na naitatala sa Metro Manila kada araw kumpara sa 14% noong buwan ng Agosto.
Sinasabing magandang pagbabago ito sa datos sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic bagama’t mataas pa rin ito sa ideal rate ng World Health Organization.
Gayunman naniniwala ang UP-Octa Research Team na dapat na makasabay sa pagbaba ng positivity rate ang ibang bahagi ng bansa.
Mataas pa rin kasi umano ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Davao Del Sur, Iloilo, Misamis Oriental, South Cotabato, Surigao Del Sur, Samar, Zamboanga Del Sur, Benguet, Baguio City, Nueva Ecija, Quezon at Pangasinan.