Nananatiling mas mababa sa 3,000 ang napapa-ulat na kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon ito sa OCTA Research Group bagamat maaari pa anitong maiba ang projections dahil hindi pa malinaw ang trend.
Sinabi ni Professor Guido David, isa sa mga convenor ng OCTA Research Group na kailangang ma obserbahan pa ang sitwasyon sa mga susunod na araw bagamat nakikita naman nila aniyang mako-contain ang bilang ng mga kaso na hindi na siya lalampas ng 3,000.
Naka depende aniya sa trend kung gaano kabilis itong makontrol lalo na’t mahirap na kalaban ang Delta variant ng Coronavirus kaya’t hindi pa masasabi kung sapat na ang dalawang linggong ECQ.