Patuloy ang pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa gitna na ng pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay OCTA Research fellow, Dr. Guido David, bukod sa NCR nakitaan din ng patuloy na pagtaas ng kaso ng virus sa ilang probinsya sa bansa gaya ng Cavite, Laguna, ilang bahagi ng Rizal, Bulacan, Pampanga.
Gayundin ang Davao, Batangas, Cagayan, Isabela, Pangasinan, Zambales, Bohol maging sa Bukidnon.
Mababatid na sa datos ng OCTA Research Group, bumababa ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR sa bilang na 1.39.
Samantala, sa panig naman ng Department of Health (DOH), kanila pang tutukuyin ang susunod na hakbang o course of action sa pagtatapos ng MECQ kung ano nga ba ang naaayong gawin para tuluyang masugpo ang banta ng COVID-19 at mga variants nito.