Patuloy na bumababa ang Covid-19 cases sa National Capital Region.
Batay sa pinakahuling datos ng OCTA Research Group mula November 23 hanggang 29, bumaba na sa 204 ang 7-day average ng mga bagong kaso ng virus sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow dr. Guido David, mas mababa ito kumpara sa naitalang 292 na 7-day average mula November 16 hanggang 22, kung saan ito na ang pinakamababang naitala simula noong hunyo noong nakaraang taon.
Naitala naman ang 0.44 na reproduction number habang bumaba naman sa 1.47% ang positivity rate sa rehiyon.
Inaasahan naman ng OCTA Research Group na bababa pa sa 100 ang 7-day average ngayong buwan kung hindi magkakaroon ng epekto ang omicron variant sa Pilipinas. —sa panulat ni Hya Ludivico