Inihayag ng OCTA research na posibleng tumaas ng 400 hanggang 500 kada araw ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa dating 65 na kaso ng virus kada araw ay nasa 131 na ngayon ang naitalang COVID cases bunsod ng mga bagong Omicron sub-variants.
Aniya, hindi dapat maging kampante ang publiko dahil may mga indikasyon na ng pagtaas batay sa 7-day average, pati na ang pagtaas sa reproduction number at positivity rate.