Umabot na sa 42 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Ormoc City sa loob lamang ng nagdaang dalawang linggo.
Samantala, nasa may 200 naman ang COVID-19 case sa kabuuan ng Leyte.
Matatandaang isa ang Ormoc City sa may zero COVID-19 case mula Marso hanggang sa ipatupad ang balik probinsya at pagpapauwi ng mga OFW’s na nagbalik bansa.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, wala naman silang magagawa kundi tanggapin ang kanilang mga kababayan na umuuwi sa kanilang syudad.
Gayunman, matindi ang pakiusap ni GOMEZ sa pamahalaan na ayusin ang koordinasyon upang hindi naman kumalat ang COVID-19 sa syudad.
Mayroon anya silang isolation facility na may kapasidad na limandaan katao subalit malapit na rin itong mapuno dahil sa dami ng mga umuuwi nilang kababayan.