Umakyat na sa mahigit 1,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod naman ng Parañaque.
Ayon sa Parañaque City Health Office at Epidemiology and Surveillance Unit ng lungsod, nasa 252 ang mga tinututukan nilang kaso.
57 naman ang kabuuang bilang ng nasawi sa lungsod habang nasa 715 naman ang naka-rekober sa sakit dulot ng virus.
Pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa barangay BF Homes na may 43, sinundan ng Barangay Tambo na may 33.
Gayundin sa Barangay Sun Valley na may 21 habang ang nalalabing 20 ay mula sa iba’t ibang barangay.