Sumirit na sa 568,680 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,269 panibagong COVID-19 cases ngayong Huwebes, Pebrero 25.
Nasa 32,437 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 738 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 524,042 ang total recoveries
Habang 72 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 12,201 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,269 ngayong Huwebes, Pebrero 25.
Pumalo na sa kabuuang 568,680 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 32,437 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/IVoTnepOhX— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 25, 2021