Umabot na sa 1,276,004 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y makaraang maitala ang 6,539 na mga bagong kaso ng virus.
Sa ngayon may 58,854 pa rin ang nananatiling aktibo sa COVID-19.
1,195,181 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus matapos na maitala ang 6,969.
71 naman ang bagong bilang ng mga nasawi sa virus, dahilan para lumobo sa 21,969 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Pilipinas.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 6,539 ngayong Lunes, Hunyo 7.
Pumalo na sa kabuuang 1,276,004 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 58,854 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/qFqolMF264
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 7, 2021