Posibleng makitaan ng bahagyang pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos ang Holy Week.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido david, inaasahang muling sasampa sa 300 ang average na kaso kada araw sa susunod na linggo.
Nabatid na ngayong linggo, mas mababa na lamang sa 300 ang naitatala ng DOH, habang nananatili sa 1.6% ang positivity rate.
Bagama’t posible ang surge, naniniwala si David na malabo nang mahigitan nito ang bilang ng kaso na naranasan noong Enero na umabot sa halos 40K. — sa panulat ni Abby Malanday