Sumampa na sa 14,206 ang kabuuang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP deputy chief for administration, ito’y bunsod ng 238 na bagong recoveries.
Dahil naman sa 166 na bagong kumpirmadong kaso, pumalo na sa 16,770 ang total Covid-19 cases sa pambansang pulisya.
Samantala, sinabi ni Eleazar na 40 na ang bilang ng mga nasawi sa kanilang hanay.