Unti unti nang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City kasunod na rin nang tuluy tuloy na testing at pagbabakuna sa mga residente rito.
Sa katunayan, ipinabatid ni Dr Rolando Cruz, pinuno ng QC Epidemiology and Surveillance Unit na nakapagtala ng negative growth rate ang lungsod nitong nakalipas na dalawang linggo kung saan ang average daily case na mahigit 1,000 ay naging 500 na lamang.
Gayunman, sinabi ni Cruz na uubrang tumaas muli ang kaso kung ititigil ang testing at pagbabakuna sa mga residente sa pamamagitan ng granular vaccination strategy.