Nakapagtala ngayong araw ng sabado ng pinakamataas na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang South Korea dahilan upang sumipa sa 41,736 ang kabuuang kaso sa naturang bansa.
Batay sa ulat 950 bagong kaso ng COVID-19 ang nadadag, samantalang 8,900 ang kabuuang kaso ng virus na naitala sa loob lamang ng 15 araw.
Kaugnay nito, 6 na pasyente naman ng COVID-19 ang nasawi sa loob lamang ng 24 oras na nagresulta upang lumubo sa 578 ang napaulat na kabuang nakitil ng COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco