Patuloy at mabilis na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Sta. Cruz sa Marinduque.
Ito ayon kay Sta. Cruz Mayor Antonio Uy ay kayat kailangan nila ang higit na confirmatory swab tests, COVID-19 vaccines at contact tracers.
Nasa 20 RT-PCR tests kada araw lamang ang inilaan aniya sa kanilang bayan na ipinadadala sa RITM bago maibalik sa kanila ang resulta makalipas ang tatlo hanggang apat na araw.
Kasabay nito, umaapela si Uy na mabigyan sila ng mas malaking supply ng bakuna sa Marinduque lalo na sa kanilang bayan.