Posibleng dumami pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos sa loob ng dalawang linggo.
Ayon kay US President Donald Trump, dahil dito palalawigin ang ipinatutupad na “social distancing” hanggang April 30.
Ito aniya ay para mapigilan o mapabagal ang pagkalat ng sakit.
Kasabay nito umaasa si Trump na makakabangon din sila sa nararanasang krisis na ito dahil sa COVID-19.