Posibleng dumami ang kaso ng Covid-19 sa Visayas at Mindanao.
Ito ang sinabi ni National Task Force Against Covid-19 former adviser Doctor Tony Leachon matapos na manalasa ang bagyong Odette.
Aniya, daan-daang libong indibidwal ang nasa ecavuation center na maaring ma-expose sa nasabing virus.
Samantala, iminungkahi niya na dapat maglagay ng magkakahiwalay na tent para sa mga evacuees, magbigay ng maraming face mask at alcohol at magsagawa ng antigen testing.– Sa panulat ni Airiam Sancho