Inaasahan na ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng mga bagong kaso dahil sa papalapit na taglamig sa Europe, North America at ilang bahagi ng Asya.
Ayon kay WHO Director-General Tedros Ghebreyesus, ilang bansa na sa Europa ang nag-uulat ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na humantong din sa mas maraming hospital admission.
Bagaman may sinusubaybayan pa rin na mahigit 300 sub-variants, ang Omicron pa rin anya ang nangungunang sanhi ng pagkalat ng sakit.
Samantala, hinimok naman ni Infectious Diseases Specialist, Dr. Rontgene Solante ang publiko na magpa-booster na dahil karamihan sa mga pasyente na na-ospital ay walang booster.
Bumababa na aniya ang immunity ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine lalo sa mga nagpaturok sa nakalipas na anim na buwan kaya dapat na maging maingat at magsuot ng face mask.