Umabot na sa kabuuang 2,837,730 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng dalawang daan at anim na put tatlo na panibagong kaso ng virus habang sumadsad sa 9,592 ang active cases.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,777,354 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 390.
Papalo naman sa 50 thousand 784 ang kabuuang nasawi matapos madagdagan ng apat na put lima na bagong namatay sa COVID-19. -