Inihayag ng UP Pandemic Response Team na posibleng umabot sa 3,000 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa bagong taon.
Ayon kay University of the Philippines (UP) Professor Jomar Rabajante, karamihan sa virus ay galing sa Metro Manila.
Batid na aniya nila na magkakaroon ng 10% positivity rate ngayong araw base sa test results na kanilang nalikom mula sa mga laboratoryo.
Ani ng propesor, inaasahan na nila ang paggalaw sa bilang nang magpopositibo sa COVID-19.
Karamihan aniya sa mga naitalang positibo sa sakit ay millenial at Gen Z, na nasa 20’s at 30’s na malayang nakalalabas ng kani-kanilang tahanan.
Nakikita na rin aniya ng grupo ang posibleng pagkalat at hawaan ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron. —sa panulat ni Joana Luna