Umakyat na sa 2,580,173 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health o DOH ito’y makaraang madagdagan ng 14,786 na bagong kaso ng virus.
Sa nasabing bilang, nasa 144,061 na ang aktibong kaso ng virus sa bansa.
2,397,456 naman ang bilang ng mga gumaling sa Covid-19 dahil sa karagdagang 894 na bagong gumaling.
Samantala, 164 naman ang bagong nasawi sa Covid-19 sa bansa dahilan para sumirit sa 38, 656 ang kabuuang bilang ng mga nasawi bunsod ng Covid-19.