Aabot na sa mahigit dalawandaang milyon ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa buong mundo.
Batay sa huling datos, nasa kabuuang 234,608,477 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t-ibang bansa.
Sa naturang bilang, Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng nakamamatay na virus na aabot sa kabuuang 44, 314, 424.
Sinundan naman ng India na may 33, 766, 707 na nagpositibo sa pandemya.
Nasa 21, 427, 073 naman ang kaso sa brazil habang 7, 807, 036 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
4,798,478 naman ang bilang ng mga namatay sa virus, habang 211,391,978 naman ang naka-rekober o gumaling na sa Covid-19 sa buong mundo.