Bumaba ng siyam na porsyento ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.
Ayon ito sa OCTA Researh Group kung saan nasa 667 ang average new cases mula June 21 hanggang 27, mas mababa sa average na 731 na arawang bagong infections mula June 14 hanggang 20.
Ipinabatid pa ng OCTA na nananatili sa 4. 83 cases pero 100K population ang ADAR o Average Daily Attack Rate ng Metro Manila dahilan para isailalim itong moderate low risk area samantalang nasa 7 percent ang positivity rate.
Ang reproduction number na tumutukoy sa bilang ng taong maaaring mahawahan ng isang COVID-19 infected ay point 80 sa Metro Manila mula sa point 71 noong nakalipas na linggo at point 92 para sa buong bansa.