Nangunguna ngayon ang cybercrime sa mga krimen sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Victor Lorenzo, hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division, 100% ang nairehistro nilang pagtaas ng cybercrimes mula nang ipatupad ang ECQ.
Pangunahin anya rito ang phishing kung saan makakatanggap ng email ang biktima mula sa nagpapanggap na financial institutions account information.
Magugulat na lamang anya ang biktima na nalimas na ang lahat ng laman ng kanyang bank account.
Sumunod anya rito ang pagdami ng mga websites na humihingi rin ng account information at donasyon para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).