Nadagdagan pa ng 116 ang kaso ng Delta variant ng Coronavirus sa bansa.
Ayon sa DOH, 95 sa Delta cases na ito ay local, isa ang returning overseas filipino at 20 ang sumasailalim sa verification.
Kabilang sa local cases ang 83 mula sa Metro Manila, tatlo sa Calabarzon, apat sa Central Visayas, dalawa sa Davao Region at tig isang kaso sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley at Ilocos Region.
Sinabi ng DOH na nasa 331 na ang kabuuang Delta variant cases sa bansa.
Ipinabatid ng DOH na lahat ng kaso ay itinuturing nang recovered at lahat ng mga impormasyon ay na-verify ng regional at local health offices.
Samantala, nakapagtala rin ang bansa ng 113 Alpha variant cases, 122 Beta cases at sampung bagong kaso ng P.3 variant na unang nadiskubre sa Central Sisayas.
Dahil dito, ang bansa ay nakapag record nang kabuuang 1, 968 Alpha cases at 2, 268 Beta cases.