SUMIRIT na sa 1,789 ang kabuuang bilang ng mga na-detect na COVID-19 Delta variant sa bansa.
Ito’y dahil sa 516 na karagdagang kaso na naitala ng Department of Health o DOH. Bukod dito, ayon sa DOH, nakapagtala rin ito ng mga kaso ng Alpha variant (73), Beta variant (81), at Theta variant (41) kasunod na rin ng sequencing report mula sa Philippine Genome Center o PGC at UP-National Institutes of Health.