Kinumpirma ng Department Of Health-Center for Health and Development o DOH-CHD na mayroon nang naitalang kaso ng mas nakahahawang delta variant sa Caraga.
Ang unang kaso ng delta variant sa rehiyon ay isang 26-anyos na babaeng may travel history sa ncr noong Hulyo 10.
Napag-alaman rin na hindi pa ito nababakunahan kontra COVID-19.
Bago ang biyahe ay sumailalim muna ang pasyente sa RT-PCR test noong Agosto 2 kung saan nagpositibo siya pagkalipas ng tatlong araw.
Sa ngayon ay nagsagawa na ng aktibong case finding ang DOH CHD- CARAGA upang kaagad na matukoy at ma-isolate ang COVID-19 cases.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico