Umakyat na sa 106 ang kaso ng Delta Variant ng COVID-19 sa Baguio City matapos na maitala ang 30 mga bagong kaso sa unang linggo ng Nobyembre.
Sa pinakahuling Biosurveillance Report ng Philippine Genome Center, maliban sa Delta Variant, ang Alpha variant cases sa lungsod ay nasa 116 na habang ang Beta variant ay nananatili sa bilang na 52.
Dahil dito, umabot na sa 274 ang kabuuang bilang ng variants of concern sa lungsod.
Paliwanag Ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 variants sa siyudad ay tumagal ng isa hanggang tatlong linggo.
Kaugnay nito, pinayuhan ng alkalde ang mga mamamayan na maging maingat at sumunod sa mga ipinatutupad na public health standards.—sa panulat ni Hya Ludivico